top of page
Khomfie Manalo

BAWAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG OKTUBRE




Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.3587 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa pagbaba ng mga singil sa generation at transmission. Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P72 na kabawasan sa kanilang kabuuang bill.


Nagpaalala rin si Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga sa publiko na makipag-transaksyon lamang sa mga awtorisadong kinatawan ng kumpanya upang maiwasang mabiktima ng panloloko.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X (@meralco).

12 views0 comments

Comments


bottom of page